Tagalog


PAGTIBAG

Tagal panahon kong tinitibag-tibag
ang pader na nakasalikop sa aking puso
at nang tuluyan itong bumagsak,
natuklasan kong ang nilalang
na nasa loob ay siya ring
may hawak ng pantibag.

—Ian Boyden
(translated by Nilo Ocampo)